Mahigit 100 sinkholes,  natagpuan sa Samal Island

(Eagle News) — Nasa 135 sinkholes ang natagpuan ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) sa iba’t-ibang lugar ng  Samal Island, Davao Del Norte.

Ayon kay Lowell Chicole, Action Officer ng MGB-XI, gamit ang computer at deep penetrating radar sa lugar, kanila umanong natagpuan ang mga dako kung saan naroon ang mga nasabing sinkhole.

Halos lahat umano ng lugar sa Samal Island kasama ang Talikud ay prone sa tinatawag na “karst subsidence hazard” ito ay ang paglusaw ng limestone sa pamamagitan nang tuloy-tuloy na daloy ng tubig sa subsurface ang siyang dahilan ng pagkakaroon ng  sinkholes.”

Maliban rito, ang mga kuweba sa isla at iba pang solution cavities na tinatawag ding “kast formations” ay isa ring indikasyon umano ng limestone area.

Ang Samal Island ay binubuo ng malawak na terraces at mga flat terrain.  Ayon kay Chicole, ito ay isang banta sa seguridad ng lahat. At ang mga pagbabago ay madalas mai-uugnay sa depression ng sinkholes na nabubuo ng collapse o dissolution ng underlying limestone.