Satellite voter’s registration isasagawa sa ilang Barangay ng Quezon City

QUEZON CITY (Eagle News) — Isasagawa ng Commission on Elections (COMELEC) sa ilang Barangay sa Quezon City ang satellite voter’s registration para sa gagawing Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Oktubre ngayong taon. Ito ay isasagawa linggu-linggo simula Pebrero 10 hanggang Marso 18, mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

Ang pagpaparehistro ay isasagwa tuwing Biyernes at Sabado at lilimitahan lamang hanggang 600 na aplikante bawat araw.

sNarito ang schedule ng satellite registration sa bawat barangay:

  • Tandang Sora – Perbreo 10-11
  • Apolonio Samson – Pebrero 17-18
  • Pasong Tamo – Pebrero 24-25
  • Culiat – Marso 3-4
  • Baesa – Marso 10-11
  • Sauyo – Marso 17-18

Sakop ng pagpaparehistro ang mga bagong botante, ang mga nais magpa-update ng tala, at yaong mga nais magpa-reactivate ng kanilang status bilang botante. Pinapayuhan na magdala ang mga nagnanais magparehistro ng alinmang ID tulad ng mga sumusunod:

  • Employee’ ID
  • Postal ID
  • PWD Discount ID
  • Student’s ID o Library Card na may lagda ng awtorisadong kinatawan ng eskwelahan
  • Senior Citizen’s ID
  • Driver’s License
  • Passport
  • SSS/GSIS Card
  • Integrated Bar of the Phiippines ID
  • PRC License
  • Certificate of Confirmation mula sa National Commision on Indigeneous Peoples

Ang barangay ID/Clearance, Community Tax Certificates o Cedula, at PNP Clearance ay hindi pinapayagan ng COMELEC.

Leander Bellen – EBC Correspondent

f6db4950-6d3c-432e-b9e3-b099c01e9c48