By Mar Gabriel
Eagle News Service
MANILA, Philippines (Eagle News) — Arestado ang tatlong suspek na umano’y miyembro ng isang vigilante group na responsable sa iba’t-ibang kaso nang pagpatay o extra judicial killings.
Kinilala ang mga suspek na sina Manuel Murillo alias “Joel,” Marco Morallos alayas “Naldo” at Alfredo Alejan alias “Jun.”
Dawit umano ang tatlo sa pagpatay sa biktimang si Charlie Saladaga na natagpuang wala ng buhay at nakasilid sa sakong palutang lutang sa baybayin ng isla puting bato sa Tondo, Manila noong Enero 2 ngayong taon.
Mismong ang mga magulang ng biktima ang kumumpirma na ang tatlo ang kumuha sa kanilang anak.
Ayon kay Philippine National Polcie chief Ronald “Bato” Dela Rosa ang pagkakaaresto sa tatlo ay patunay lang na may mga grupo talagang sumasakay sa kanilang war on drugs na pumapatay sa mga drug suspek.
Bukod kasi sa pagpatay kay Saladaga, may tatlong kaso pa ng pagpatay kung saan sinasabing sangkot ang mga suspek.
Base sa imbestigasyon, miyembro ng Volunteer Organization ng kanilang barangay ang mga suspek na umaaktong taga tumba ng mga pinaghihinalaang drug addict o kriminal.
Patuloy namang tinutugis ang pito pang kasamahan ng mga suspek na maari umanong nagtatago lang sa Metro, Manila.
Eagle News Service