GAPAN CITY, Nueva Ecija (Eagle News) – Nagsagawa ng Lingap-Pamamahayag ang mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo noong Linggo, Pebrero 12. Isinagawa ito sa Nueva Ecija University of Science and Technology – Gapan Campus, Brgy. Bayanihan Gapan City, Nueva Ecija.
Kahayagan ng kasabikan para sa nasabing aktibidad ay maagang nagtungo sa venue ang mga nakipagkaisang mga kaanib ng INC kasama ang kanilang mga naanyayahang bisita. Puno ng tao ang dakong pinagdarausan. Bago nagsimula ang aktibidad ay nagsagawa muna sila ng entertainment program.
Sinumulan ang pagtuturo ng mga Salita ng Diyos na pinangasiwaan ni Brother Glicerio B. Santos Jr., Ministro ng ebanghelyo. Binigyan diin niya ang pagpapakilala sa Iglesia Ni Cristo na lumitaw sa Pilipinas at ang kahalagahan nito sa pagtatamo ng kaligtasan.
Pagkatapos ng pamamahayag ay namahagi naman ng food packs sa mga dumalong bisita na tinatayang umabot sa 15,000 ang naipamahagi. Nasa mahigit sa 20,000 ang dumalo sa nasabing aktibidad na kinabibilangan ng mga miyembro ng INC kasama ang kanilang mga panauhin.
Bhelle Santiago – EBC Corrspondent, Nueva Ecija