NPA, nagdeklara ng ‘temporary ceasefire’ sa mga lugar na sinalanta ng lindol

(Eagle News) — Nagdeklara ang New People’s Army North Eastern Mindanao Region Command ng pansamantalang ceasefire sa Surigao Del Norte at ilan pang bayan sa Surigao Del Norte.

Ayon sa National Democratic Front of the Philippines (NDFP), ginawa nila ito upang hindi  maapektuhan  ang pagpapaabot ng tulong sa mga lugar na sinalanta ng 6.7 magnitude na lindol.

Pebrero 11 pa epektibo ang kanilang idineklarang pansamantalang ceasefire at matatapos ito sa Pebrero 20 .

Umaasa naman ang NDFP na susunod din sa kanilang ginawa ang  security forces ng bansa sa pamamagitan ng pagdeklara din ng temporary ceasefire.

Nauna nang hinimok ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang NPA na huwag munang atakihin ang mga sundalo na nagsasagawa ng rescue at rehabilitation sa mga lugar na sinalanta ng malakas na lindol.

Eagle News Service