(Eagle News) — Binalaan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang mga aakyat ng Mount Pulag laban sa sobrang lamig ng temperatura sa lugar.
Ayon sa PAGASA, dapat magdala ng mga pananggalang sa lamig at magsuot ng makapal na damit ang mga mag-te-trekking lalo’t pumalo sa 8 degrees Celsius ang temperatura, kahapon, Pebrero 13.
Ito’y upang makaiwas sa hypothermia at iba pang uri ng sakit dala ng malamig na panahon.
Inaasahang babagsak pa ang temperatura sa naturang bundok o umabot sa 1 hanggang zero degrees Celsius dahil sa patuloy pag-ihip ng hangin mula Siberia.
Nitong Linggo (Pebrero 12) ng umaga ay nakapagtala ng 7.0 degrees Celsius na temperatura sa Mount Santo Tomas at Tuba, Benguet.
Eagle News Service
https://youtu.be/ub_XGRM8ySQ