DCPO tinututukan ang pagpapatigil sa illegal gambling

DAVAO CITY (Eagle News) – Tinutukan ngayon ng Davao City Police Office (DCPO) ang illegal gambling na nagkalat na sa lungsod. Ito ay matapos ipahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte na pansamantala munang ititigil ang kampanya kontra droga.
Ayon kay DCPO Spokesperson Senior Inspector Catherine dela Rey, hindi lamang ang tinatawag na last two ang kanilang tinututukan kundi lahat ng mga iligal na sugal. Tulad ng:
  • Madjong
  • Kara cross
  • Baraha
  • Sabong-sabong
  • Pronton
  • Video karera

Naniniwala ang opisyal na sa ganitong mga kilos ng pulisya kung hindi man malipol tiyak na mapaparalisa o mababawasan ang mga nakawan at iligal na pinagkakakitaan.

Nagpalabas na aniya ng direktiba si PNP Chief Ronald dela Rosa na hulihin ang lahat ng mga nasasangkot sa lahat ng mga iligal na sugal. Batay sa pinanukala ng Presidente Rodrigo R. Duterte kapag ginawa ito ay magiging payapa ang buong bansa.

Saylan Wens – EBC Correspondent, Davao City