MANILA, Philippines (Eagle News) — Nakatakdang magsagawa ng pagdinig ang Senado ngayong linggo hinggil sa kaso ng tinaguriang pork barrel queen na si Janet Lim-Napoles.
Pangungunahan ito ng Office of the Solicitor General (OSG).
Enero 15 nang maghain ng manifestation in lieu of rejoinder ang mga kinatawan ng OSG sa Court of Appeals na humihiling ng ma- acquit si Napoles sa kasong iligal na pag detine sa kanyang pinsan at whistleblower na si Benhur Luy.
Si Luy ang state witness sa mga plunder case laban kay Napoles.
Si Napoles ay nahatulan ng reclusion perpetua o apatnapung taong pagkakakulong at ngayon ay nasa hurisdiksyon ng Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City.
Habang patuloy namang pinaghahanap ang kapatid nitong lalaki na dawit din sa kaso na si Reynaldo Lim.
https://youtu.be/pRipntdj1t4