Isang oar fish, nalambat ng mangingisda sa Sta. Maria, Romblon

STA. MARIA, Romblon (Eagle News) – Isa na namang oar fish ang nalambat ng isang mangingisda sa Sitio Cabugao, Barangay Bunga, Sta. Maria, Romblon. Ayon kay Precel Jane Mesterioso, anak ng nakahuli ng nasabing isda, nahuli aniya ng kaniyang tatay na si Juan Misterioso ang isda sa pamamagitan ng largarite (isang uri ng lambat) noong madaling araw nang Martes, February 21.

May habang 9 feet ang nasabing oar fish at halos sakupin na ang kalahati ng kalsada ng ilatag ito.
Inilibing aniya nila ang nasabing isda dahil hindi nila alam kung ito ba ay ligtas kainin.

Natatakot din ang ilang residente ng Sta. Maria dahil kaparehong isda ang nahuli bago tumama ang lindol noong October 1, 2016.

Renand Pastor – EBC Correspondent, Romblon

Photo courtesy of Bea Marzonia