BISLIG CITY, Surigao del Sur (Eagle News) – Kaliwa’t-kanan ang isinasagawa ngayong PNP Checkpoint sa mga pangunahing lansangan ng Surigao del Sur. Ito ay dahil halos magkasunod lamang na nabiktima ang isang security guard at isang pulis nang hindi pa nakikilalang mga suspek sakay ng motorsiklo o ang mga kawatang tinatawag na “riding in tandem.”
Mahigpit namang kinondena ng kapulisan ang walang habas na papamaril at pambibiktima ng mga riding in tandem criminals sa nasabing lugar.
Nagbabala rin ang awtoridad sa publiko na maging mapagmatyag at umiwas sa mga napapabalitang grupo ng taong nag-iikot sa mga barangay at nagpapakilalang ahente o tutor ng mga batang nasa tatlo hanggang anim na taong gulang. Nagtatanong din ang mga ito ng mga imposmasyon sa lugar at tao.
Kung may napansing kahina-hinala sa kanilang mga kilos ay ipagbigay-alam kaagad sa pulisya o pumunta sa pinakamalapit na istasyon ng pulis.
Issay Daylisan – EBC Correspondent, Surigao del Sur