Libreng surgical operation inilunsad ng Bislig City District Hospital

BISLIG CITY, Surigao del Sur (Eagle News) – Dinagsa ng maraming tao na mula sa Agusan del Sur at Surigao del Sur ang libreng surgical operation para sa mga batang may Hare Lip at Cleft Palate na isinagawa sa Bislig City District Hospital.

Ito ay mayroong temang”Hastag Project Smile,” na proyekto ng Maharlika Charity Foundation, Loving Presence Foundation, Bislig City District Hospital, Lokal na Pamahalaan ng Bislig at iba pang non-government organization kaya inilunsad ang ganitong mga libreng operasyon.

Binubuo ng 25 medical practitioner na galing sa Davao City ang boluntaryong nagsagawa ng libreng operasyon. Bukod sa libreng operasyon, libre ding ipinamimigay ang mga gamot at iba pang kakailanganin ng mga batang ooperahan.

Issay Daylisan – EBC Correspondent, Bislig City, Surigao del Sur