(Eagle News) — Inilahad ng bansang Israel ang kakaibang oportunidad na naghihintay para sa mga nasa on-the-job-training (OJT) sa Pilipinas lalo na sa agro-technology.
Ito ang inihayag ni Israeli Ambassador to the Philippines Effie Ben Matityau sa nang gunitain ang 40th anniversary ng Asia Tours na may temang “the land of creation and creativity.”
Ayon kay Matityau, mula sa 550 na estudyante sa 29 na state colleges at universities sa buong mundo. Taun-taon na may mapalad na napapabilang sa ating bansa na mga estudyante mula sa Kalinga at Zamboanga para makapag sanay sa Israel.
Aniya, malaki ang kahalagahan nito dahil maaaring sa kanilang pagbalik sa Pilipinas ay kanilang maipamahagi ang kanilang mga bagong kaalaman sa kapuwa Pilipino.
“Most important they come back as a young enterprises with ideas for themselves and what we suppose to do is we are obliged to do for them is to create opportunities here back in the Philippines.” ayon kay H.E. Effie Ben Matityau, Israeli Ambassador to the Philippines.