3rd batch ng Pulis scalawags na dinestino sa Basilan dumating na sa Zamboanga City

 ZAMBOANGA CITY (Eagle News) – Dumating na sa Edwin Andrews Air Base, Zamboanga City ang iba pang miyembro ng Philippine National Police (PNP) na ididestino sa isla ng Basilan noong Lunes, March 6. Sila ang mga pulis na tinaguriang “police scalawags” matapos masangkot sa iba’t ibang kaso ng katiwalaan sa National Capital Region (NCR). Sila ang pangatlong grupo ng mga pulis na ipinatapon ng pangulo sa Basilan bilang bahagi ng disiplina sa kanilang hanay.
Unang dumating ang 54 na pulis kasunod ay 52 at ngayon ay 300 na PNP personel naman ang dumating. Agad na isinakay sila sa commercial vessel patungong Isabela City, Basilan kung saan naroon ang BPPO.

Mainit naman na tinanggap ng mga taga-Basilan ang pagdagsa ng nasabing mga pulis sa kanilang lalawigan na makakatulong sa magbabantay sa peace and order ng Probinsiya.

Jun Cronico – EBC Correspondent, Zamboanga City
https://youtu.be/b0m21gB4lZs