(Eagle News) — Nagbigay ng executive clemency sa 127 na matatanda at sakiting preso si Pangulong Rodrigo Duterte. Ito’y batay na rin sa rekomendasyon ng Department of Justice (DOJ).
Ang nasabing kautusan ay nilagdaan ng pangulo nito pang Pebrero, kasunod na rin ng nauna niyang pangako na pagpapalaya sa mga matatanda at maysakit na mga inmate.
Sakop ng nasabing kautusan ang mga kulungan sa ilalim ng Bureau of Corrections, kabilang na ang New Bilibid Prison at Correctional Institution for Women.
Isasagawa naman ang seremonya ngayong Miyerkules, Marso 7 sa NBP sa ganap na alas dies ng umaga (10:00am).