Protect Wildlife Project, inilunsad ng DENR at USAID

By Aily Millo
Eagle News Service

(Eagle News) — Isa ang Pilipinas sa maituturing na World’s most mega-diverse na bansa. Sapagkat dito matatagpuan sa Pilipinas ang iba’t ibang endemic species.

70 percent (%) ng flora at fauna na matatagpuan sa Pilipinas ay endemic.

Pero sa likod nito, ay mayroong banta sa mayamang bio-diversity ng bansa.

Kaugnay nito,  Inilunsad ng Department Of Environment and Natural Resources (DENR) at United States Agency for International Development (USAID) ang “Protect Wildlife Project.”

Pinangunahan ni Environment secretary Gina Lopez, U.S ambassador to the Philippines Sung Kim, Biodiversity Management Bureau director Theresa Mundita Lim at iba pang opisyal ang inagurasyon sa nasabing proyekto

Nakapaloob  sa proyekto ang pagtiyak na mapapangalaagaan o mapo-proteksyunan ang wildlife.