Retired SPO3 Arthur Lascañas, isang “polluted witness” – Malacañang

(Eagle News) — Ikinukonsidera ng Malacañang si retired SPO3 Arthur Lascañas bilang isang polluted source sa gitna ng pagharap nito sa senate investigation.

Ayon kay Presidential Spokesperson  Ernesto Abella, minsan nang itinanggi ni Lascañas na may Davao Death Squad (DDS) noong unang humarap sa pagdinig ng senado.

Inihayag ni Abella ngayong  bumabalik sa senado si Lascañas, hindi na katanggap-tanggap ang mga binitiwang testimonya ni Lascañas at hindi ito maikukonsiderang isang credible witness.

Hindi naman nabanggit ni Abella kung ikinukunsidera ng Palasyo ang pagsasampa ng kaso laban kay Lascañas na isang self-confessed killer.