US Ambassador Sung Kim bumisita sa Zamboanga City

ZAMBOANGA CITY (Eagle News) – Bumisita si US Ambassador Sung Kim sa Zamboanga City noong Huwebes, March 16.

Buong higpit naman na ipinatupad ang seguridad ng siyudad dalawang araw bago pa ang mismong pagbisita ng Ambassador. Nais lamang ng kapulisan na matiyak ang kaligtasan ng kanilang panauhin sa pangunguna ni City Police Director Sr. Supt Luisito Magnaye.

Pinangunahan din ni Magnaye ang isinagawang arrival honor ng Zamboanga PNP sa mismong bulwagan ng lungsod bilang parangal sa mataas na opisyal ng America sa pagbisita nito sa lungsod. Pagkatapos ng parangal ay agad na nakipagpulong ang Ambassador kay Zamboanga City Mayor Maria Isabelle Climaco sa loob ng tanggapan nito.

Bagaman hindi na idinetalye ang napag-usapan pero paliwanag ni Gng. Sheila Covarubias na may kaugnayan ito sa mga maitutulong ng America sa lungsod at iba pang mga programa. Para aniya ito mamamayan ng Zamboanga City. Matapos ang pulong sa City Hall ay nag-courtesy din ang Ambassador sa mga pinuno ng kasundaluhan ng Armed Force of the Philippines-Western Mindanao Command (AFP-WesMinCom).

Jun Cronico – EBC Correspondent, Zamboanga City