MEYCAUAYAN CITY, Bulacan (Egle News) – Nagsagawa ng clean-up drive ang grupong Robinhood Youth Volunteer, isang grupo ng mga kabataan ng Brgy. Banga, Meycauyan City, Bulacan. Layunin nila ay upang makatulong sa pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran.
Sa halip na sa paglalaro ubusin ang kanilang oras, ibinuhos ng mga bata na may edad anim na taong gulang pataas ang kanilang oras sa paglilinis sa kanilang lugar. Bitbit ang kanilang gamit panlinis tulad ng walis, dust-pan, sako at timba na may tubig.
Bawat madaanan nilang mga halaman na nakatanim sa tabi ng daan ay kanila itong diniligan. Kanilang winalisan at tinanggalan ng mga bara ang kanal upang makadaloy ng mabuti ang tubig at mawala ang mga lamok na maaaring pagmula ng sakit na dengue.
Ayon sa grupo, layunin nila ay makatulong sa kanilang barangay na maging malinis at maayos ang kanilang kapaligiran. Hindi lamang sa kanilang barangay kundi maging sa kanilang bayan.
Kanila namang hinihimok ang mga kabataan sa kanilang lugar na sumama at makiisa sa kanilang mga aktibidad sa mga susunod na panahon.
Dagdag pa ng grupo na wala umanong nagpilit sa kanila na gawin ang nasabing paglilinis. Tuwang-tuwa pa sila na animo’y naglalaro lamang at pinakananais ng grupo at maging matagumpay ang kanilang proyekto.
Earlo Bringas, Joey Tagum, EBC Correspondents, Metro Manila