POLANCO, Zamboanga del Norte (Eagle News) – Sinimulan na ang isang buwang mahigit na anti-rabies vaccination ng Lokal na Pamahalaan sa Polanco, Zamboanga del Norte. Ito ay sa pakikipagtulungan ng Polanco Agriculture Office at mga veterinarian ang nasabing aktibidad.
Layunin nitong mabakunahan ang lahat ng aso sa naturang bayan para sa seguridad ng mamamayan. Nagsagawa din ng house to house ang nasabing grupo upang masiguro na mabakunahan ang lahat ng aso. Ikinatuwa naman ng mga residente ang ginawang libreng pagbabakuna sa kanilang mga alagang aso sapagkat ito aniya ay para malayo sa peligro ang mga mamamayan ng nasabing bayan.
Matatapos ang pagbahay-bahay na anti-rabies vaccination sa Abril 20 taong kasalukuyan.
Elmie Ello – EBC Correspondent, Zamboanga del Norte