ROXAS CITY, Capiz (Eagle News) – Isinagawa ang Graduation Day Closing Ceremony ng mahigit 40 na drug surrenderees ng Oplan Tokhang. Sa pangunguna ni PInsp. Glen Hervias nang Roxas City Police Station, Barangay Officials at Barangay Anti-Drug Abuse Council.
Ang proyektong ito ng Philippine National Police at ng Barangay Anti-Drug Abuse Council ay bahagi ng Barangay Drug Clearing Operation ng Pamahalaan. Ang mga nagsipagtapos ay dumaan sa Community Rehabilitation Program kung saan dumalo sila sa mga seminar, socio-civic activities at assessment and evaluation.
Nakatanggap ang mga nagsipagtapos ng sertipiko na katunayang sila ay nakatapos sa programang ito ng Pamahalaan. Nagkaroon ng panunumpa ang mga surrenderee na nagpapahayag ng totohanang pagbabagong-buhay at paglayo sa iligal na gawain.
Neal Flores – EBC Correspondent, Capiz