Memorandum of Understanding ng Bislig City at Kisarazu City, Chiba, Japan nilagdaan na

(Eagle News) — Isang kasunduan o Memorandum of Understanding ang nilagdaan sa pagitan ng lokal na pamahalaan ng Bislig City, Surigao Del Sur at ng pamahalaan ng Kisarazu City, Chiba sa bansang Japan.

Nilagdaan ang nasabing kasunduan nang bumisita si Mayor Librado Navarro ng Bislig City kay Mayor Yoshikuni Watanabe ng Kisarazu City.

Ang nilagdaang kasunduan ay magpapatatag sa samahan ng dalawang partido na nagnanais na mapaunlad ang kanilang nasasakupan.

Nakasaad sa nasabing kaaunduan na nagtutulungan ang dalawang bayan ayon sa saligang batas na ipinapatupad sa dalawang bansang nakalagda.

Sa pamamagitan ng palitan ng impormasyon, kaalaman at karanasan tungkol sa agriculture, fishery, forestry, education, tourism at ibang sangay na napagkasunduan ng dalawang partido.

Ang nilagdaang kasunduan sa pagitan ng Bislig City at Kisarazu City ay tatagal sa loob ng dalawang taon at maaring i-renew, anim na buwan bago matapos ang termination date.

Umaasa ang mga mamamayan ng Bislig City at Kisarazu City na magiging mabilis ang pag unlad ng kanilang lugar at magbibigay ng ibayong benepisyo sa kanilang pamumuhay.