URDANETA CITY, Pangasinan (Eagle News) – Tinatayang nasa 80 katao ang nakinabang sa ipinamahaging 40 libreng food cart ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Ang pamamahagi ay isinagawa noong Miyerkules ng umaga, March 22 sa harapan ng City Hall ng Urdaneta City, Pangasinan.
Ang mga nabigyan ng nasabing food cart ay nagmula sa 34 barangay ng nasabing lungsod na miyembro ng 4P’s. Bawat isang food cart ay nagkakahalaga ng 30,000 pesos kasama na ang initial products para sila ay makapagsimula nang kanilang negosyo kung ito ay bibilhin.
Pinangunahan ng alkalde ng Urdaneta ang ribbon cutting. Nagbigay din ng mensahe ang alkalde bago ipamahagi ang mga food cart sa mga recipient.
Ayon kay Ms. Arlyn Macabio, Regional Project Development Officer, ang proyekto ito ng DSWD sa ilalim ng sustainable livelihood program ay naglalayon na matulungan ang mga kababayan natin na nasa ilalim ng programa.
Ayon naman kay Gng. Jolly Gorospe, mula sa Barangay Cabuloan, isa sa mga recipient, nagpapasalamat aniya siya dahil malaking tulong ito sa kaniyang pamilya. Makakatulong din ito sa pagpapaaral sa kaniyang mga anak kaya lalo niyang pagbubutihin ang pamamalakad sa negosyong ipinagkaloob sa kaniya.
Rusell Failano – EBC Correspondent, Urdaneta City, Pangasinan