BIÑAN CITY, Laguna (Eagle News) – Pinagkalooban ng modelong wheelchair ang limang Person with disability (PWD) sa Biñan City, Laguna. Gamit ito ay kakayanin na nilang pumunta sa kani-kanilang pinagtatrabahuhan sa sariling kakayanan lamang.
Handog ito ng Go Forward Biñan Foundation sa pangunguna ni Chairwoman Lourdes Esquivel Dimaguila at ng LDS Charities. Suportado naman si Mayor. Atty. Arman Dimaguila, Jr., sa nasabing proyekto. Layunin nito na mas matulungan ang mga aktibong kasapi ng sektor ng may kapansanan na mas mapadali ang kanilang paglalakbay patungo sa kanilang mga destinasyon.
Hindi tulad ng mga nakasanayang mga desenyo ang “tricycle” wheelchair” ay sinadya upang makarating sa mas malalayong mga lugar. Tumatakbo ito sa pamamagitan ng paghila at pagtulak ng paulit-ulit. Gamit naman ang manibela, ginagabayan nito ang unahang gulong upang mas mabilis na makaliko sa kaliwa o kanan man. Mayroon itong mga nakakakabit na preno sa bawat gulong para sa kaligtasan din ng nagmamaneho. Kaya nitong tumakbo ng mula 15- 20 kilometro kada oras depende narin sa kakayanan ng driver.
Willson Palima at Jackie Palima – EBC Correspondent, Biñan City, Laguna