BAGAC, Bataan (Eagle News) – Pinasinayaan ang pang-apat na Negosyo Center ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Bagac Municipal Hall sa Bataan. Pinangunahan ito ni ni Ms. Nelin Cabahug ng DTI Bataan kasama ang DTI Region 3, DTI Baler, DTI ZAmbales at DTI Pampanga, 2nd District Representative Joet Garcia, Mayor Gab del Rosario, Board Member Gaudencio Ferrer at mga negosyante sa naturang bayan.
Layunin ng DTI Negosyo Center na mapalawak pa ang business opportunities sa ikalalago ng mga micro, small and medium enterprises ng lalawigan. Nais din nila na mapaunlad ang mga kaalaman ng mga produkto sa ilalim ng product development training seminars ng ahensiya. Gayundin para mapabilis ang pagproseso ng pagrerehistro ng mga bagong business permit sa bayan ng Bagac.
Nais ni Mayor Gab del Rosario na lalo pang makilala at mapaunlad ang nasabing bayan, hindi lamang sa mga magagandang beach, mga maipagmamalaking produkto tulad ng number 1 cashew nuts at marami pang iba.
Nais din niyang dumami ang mga negosyante sa lugar at lumago ang negosyo sa bayan. Ayon pa sa alkalde, sa pagtutulungan ng bawat isa madali nilang makamit ang kaunlaran ng kanilang bayan .
Josie Martinez – EBC Correspondent, Bataan