MARILAO, Bulacan (Eagle News) – Isa ang Bayan ng Marilao, Bulacan sa masuwerting napagkalooban ng DOLE ng isang milyong piso para sa pangkabuhayang project. Ito ay ilalaan naman ng Pamahalaang Bayan para sa mga maliliit at nagnanais na magkaroon ng puhunan para sa maliit na negosyo.
Ang DOLE Starter Kit mula sa Programang Bottom-up Budgeting ay ang programang makapagbibigay tulong sa mahigit na 300 indibidwal na nagnanais magsimula ng kanilang maliit na negosyo o pangkabuhayan para sa taong ito.
Ipinagkaloob ni Provincial Director Mat Lynn Gozun ng Department of Labor and Employment Service ang naturang tseke kay Municipal Administrator Froilan Angeles kasama si Coop Officer Jon Louie Santiago at ang tanggapan ng Public Employment Service Office. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na ang Marilao ay makatanggap ng ganitong pondo mula sa DOLE.
Joey Tagum – EBC Correspondent, Marilao, Bulacan