Suspek sa credit card fraud, arestado sa Maynila

(Eagle News) — Bandang alas onse ng umaga (11:30 AM) kahapon, Abril 6 nang arestuhin ng mga operatiba ng Philippine National Police-Anti Cyber Crime Group ang lalaking ito sa kanyang tinutuluyang apartment sa Recto, Maynila.

Kinilala ang suspek na si Gabino Mackay na hinihinalang nasa likod ng ilang kaso ng credit card fraud.

Natunton ang suspek sa tulong ng bangko na sila mismong nagsumbong ng insidente sa PNP-ACG.

Modus ng suspek, nabunyag

Modus ng suspek na gunamit ng mga impormasyon ng mga credit card holder at magkunwaring sya ang lehitoming may-ari ng card.

Pagnapalitan na ang ilang impormasyon at naipadala na sa kanya ng bangko ang bagong credit card dito nya na ito gagamitin.

Iba’t ibang ID nakuha sa suspek

Nabawi sa suspek ang ibat ibang klase ng ID na hinihinalang ginagamit nya sa kanyang mga transaksyon.

Nakumpiska rin sa apartment ng suspek ang ilang sachet ng shabu at mga drug paraphernalia.

Nakatakdang sampahan ang suspek ng kasong paglabag sa RA 8484 o ang Access Device Act, identity theft at paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act.

https://youtu.be/zGRxb9m0rng