Pangulong Duterte, nakipag-usap sa mga OFW sa Saudi

Isa sa mga OFW na hinarap ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Riyadh, Saudi Arabia. (Screenshot RTVM)
Isa sa mga OFW na hinarap ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Riyadh, Saudi Arabia. (Screenshot RTVM)

Ni Meanne Corvera

Eagle News Service

Isa-isang inalam ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kalagayan ng mga Overseas Filipino Workers sa Riyadh, Saudi Arabia, kung saan siya ay naka-state visit simula pa noong Lunes.

Sa pagbisita ng Pangulo, naging emosyonal ang mga OFW.

“My first question is, where is the Department of OFWs? That is the first question–the Department of OFWs. We want it,” sabi ng isa.

Sagot naman ni Duterte, “A (Department of OFWS) is coming.”

Para matigil din ang krimen, inirekomenda ng ilan sa Pangulo na magpatupad ng national ID system, gaya ng pinapatupad sa Saudi Arabia.

Ang ilan naman ay ginamit ang pagkakataon upang magpasalamat kay Duterte.

“Hello Tatay. I have no questions at all. I just want to say thank you (for) you have given us hope. Thank you so much,” sabi ng isa.

“Una sa lahat, nagpapasalamat ako sa Panginoon..ibinigay ka ng Panginoon sa amin,” sabi ng isa.

Ang pagpunta ni Duterte sa Saudi Arabia ay bahagi ng kanyang isang linggong state visit sa tatlong bansa sa Middle East.

Inaasahang tutungo ang Pangulo sa Bahrain, at pagkatapos naman ay sa Qatar.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, mayroong 760,000 na Pilipino sa Saudi Arabia, 60,000 sa Bahrain, at 250,000 sa Qatar.