ILIGAN CITY, Philippines (Eagle News) – Masayang nakipagkaisa ang mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa dako ng Fuentes, Brgy. Maria Cristina, Iligan City sa isinagawang clean up drive ng dalampasigan sa kanilang lugar kamakailan.
Ayon sa kanila sinamantala nila ang mahabang bakasyon para makatulong sa kalikasan lalo na sa dalampasigan. Pinulot nila ang mga basura at binunot naman ang mga tumubong mga damo sa tabi ng dagat.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni Bro. Romulo Albao, ministro ng ebanghelyo at kasalukuyang resident minister ng Lokal ng Fuentes. Sa ganitong aktibidad aniya ay hindi lamang sila nakakatulong para sa ikalilinis ng kapaligiran kundi naipakita pa nila ang pagkakaisa.
Farrahwel Tenorio – EBC Correspondent, Lanao