Environmental coalition, hinamon ang gobyerno na lalo pang tutukan ang pangangalaga sa kalikasan

Hinamon ng mga miyembro ng isang environmental coalition ang gobyerno na lalo pa nitong tutukan ang pangangalaga sa kalikasan. /Gerald Ranez/ Eagle News Service
Hinamon ng mga miyembro ng isang environmental coalition ang gobyerno na lalo pa nitong tutukan ang pangangalaga sa kalikasan. /Gerald Rañez/ Eagle News Service

Hinahamon ng isang environmental coalition ang administrasyon ng Pangulong Rodrigo Duterte na lalo pa nitong tutukan ang pangangalaga sa kalikasan at karapatang pantao.

Sa isang press conference nitong Huwebes, ipinunto ng Ecological Challenge for Change Coalition ang lumalala raw na problema na dulot ng “dirty energy” at “environment-related killings.”

Ang koalisyon ay binubuo ng 40 na environmental at people’s organizations.

Ayon kay Lia Alonzo, research at advocacy program officer ng Center for Environmental Concerns, marapat lamang na mareverse ang mga pahayag  ni Duterte na may kinalaman sa pag-develop ng coal, nuclear at iba pang “dirty energy projects.”

Pinuna rin ng grupo ang sinasabi nilang nakaaalarmang patuloy na pagpatay ng mga taong nangangalaga sa kalikasan.

“(This has) already amounted to at least 16 cases under the current administration,” sabi nila.

Sa kabuuan, pinuri ng grupo ang mga effort ng administrasyong Duterte sa walong environmental agenda, gaya ng large-scale mining.

Nananatila anila ang kanilang tiwala sa Pangulo, at suportado nila ang pagreappoint kay Gina Lopez bilang environment secretary.

Anila, nangangailangan lamang ng “improvement” sa nalalabing anim na environmental agenda, kabilang na ang reclamation at reforestation. (Gerald Rañez, Eagle News Service)