Site inspection sa NLEX Harbor Link Segment 10, isinagawa

(Eagle News) — Nagsagawa ng site inspection  ang Build, Build, Build Team ng Duterte administration sa ginagawang Northern Luzon Expressway Harbor Link Segment 10 o ang Elevated Expressway.

Ang expressway na ito ay naglalayong makapagbigay ng direktang access sa mga motorista sa port area at sa mga lalawigan sa Northern Luzon sa pamamagitan ng NLEX.

Pinangunahan  nina Transportation Secretary Arthur Tugade, Public Works and Highways Secretary Mark Villar, at iba pang miyembro ng Build, Build, Build Team  ang inspeksyon.

Ang NLEx Harbor Link Segment 10 ay magiging susi umano sa pagdecongest ng mga pangunahing kalsada sa Metro Manila na kadalasan ay mabigat ang daloy ng trapiko.

Ang NLEx Harbor Link Segment 10 ay 5.7 kilometrong expressway na magbibigay rin ng alternatibong daan sa NLEx, gayundin sa EDSA at iba pang busy streets sa Metro Manila.

Kapag nabuksan ang nasabing proyekto , magiging 10 minuto nalang ang travel time ng mga motorista mula Manila port papuntang NLEX.

Ang NLEx Harbor Link Segment 10 ay magsisilbi ring NLEx-South Luzon Expressway connector.

Proyekto, target matapos ngayong taon

Target umano ng Build, Build, Build Team na matapos ngayong taon ang nasabing proyekto.

Isang task force na rin ang binuo ng ahensya upang masiguro na matatapos ang proyektong ito ngayong taon.