Rare green Sakura, namulaklak sa east China; Milyong tulips namukadkad naman sa US

Sikat ang mga sakura flower sa China, pero ang mas agaw pansin ngayon sa lugar ay ang paglutang ng mga green Sakura na syang bihira lamang at syang nagpadagdag sa ganda ng iba pang bulaklak.

Kaya naman agad itong dinayo ng mga residente at turista sa lugar upang makapagpa-litrato sa unique green flowers na ito.

Ayon sa residente sa lugar,  ang nasabing puno ng sakura ay nasa edad na ng 30s O 40s na syang umabot na sa maturity nito, kaya naman ganito ang lumabas na ganda nito.

Ang Sakura sa China ay namumukadkad sa pagitan ng buwan ng marso at huling buwan ng abril.

 

Milyong tulips, namukadkad para sa 34th annual flower fest

Samantala, milyun-milyong bulaklak naman ang namukadkad sa US para sa ika 34th annual flower celebration sa lugar.

Ang mga naggagandahang bulaklak na ito ay nasa north Seattlena  na halos okupahin ang buong field.

Karamihan sa mga ito ay Dutch tulips, Daffodils at Iris na tumubo sa iba’t ibang kulay.

 

https://youtu.be/Gj7zan9J8Oo