Organic farming isinusulong sa Palawan

 

(Eagle News) — Isang health and wellness seminar ang isinagawa sa bayan ng Roxas na dinaluhan ng mga nurses, midwives, nutritionist at maging ng mga agricultural technologist at LGU offices head ng nasabing bayan.

Layon ng isinagawang seminar na maipabatid sa bawat komunidad kung ano ba ang pinagmumulan at sanhi ng mga sakit na nakapipinsala sa kalusugan ng bawat tao.

Ayon kay Dra.Susan Balingit, Guest Speaker sa seminar, ang pagkaing nakahain sa mga hapag ng bawat tahanan ang unang dapat na bantayan.

Ayon pa sa doktora, “what we eat defines what we are,” kung kaya hinihimok nila, unang-una na ang mga ginang ng bawat tahanan na magkaroon ng sapat na kaalaman sa paghahain ng mga masusustansyang pagkain para sa kanilang pamilya.

Gayon din, patuloy na isinusulong ng Palawan Center for Appropriate Rural Technology (PCART ), isang non-government organization ang organikong paraan ng paghahalaman upang maturuan ang bawat komunidad ng paghahalaman ng walang anumang kemikal na kailangan kung kaya dinaluhan din ng mga agricultural technologist ng bayan ang nasabing seminar.

Ayon kay PCART Director Lourence Padilla, mahalagang matiyak na ang mga gulay na nakahain sa hapag ng bawat tahanan ay ligtas sa anumang kemikal na makapipinsala din sa kalusugan. Kaya tuloy-tuloy ang kanilang isinasagawang trainings and seminars sa mga bayan sa buong lalawigan upang maturuan ang bawat komunidad ng organikong paraan ng pagtatanim.

Sa kabuuan ng isinagawang seminar ay ang healthy lifestyle living pa din ang pinakasusi para sa isang malusog na mamamayan at pamayanan.

https://youtu.be/sbMNbQlnST0