ALBUQUEQUE, Bohol (Eagle News) – Na-rescue ng Panglao Coast Guard at ng mga residente ang isang nanghihinang giant female green sea turtle na napadpad sa karagatan ng Barangay Wepo, Albuqueque, Bohol. Nakita itong palutang-lutang sa nasabing baybayin noong Lunes, May 1.
Sa tulong ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at ng Provincial Veterinarian, napag-alamang ang buoyancy problem ng nasabing pawikan ay resulta ng impacted intestine dahil sa plastic ingestion.
Bagaman wala namang mga sugat sa katawan ang pawikan ay nakitaan naman ito ng dehydration at malnutrition na maaaring resulta ng mga nakain nitong mga plastic na lumulutang sa dagat.
Dahil sa complications, kalaunan ay namatay din ang nasabing female green sea turtle.
Angie Valmores – EBC Correspondent, Bohol