International Women’s Surfing sa Siargao Island, nilahukan ng 24 na kababaihan mula sa 6 na bansa

SIARGAO ISLAND, Surigao del Norte (Eagle News) – Nasa 24 na kababaihan mula sa anim na bansa ang lumahok sa 9th Siargao International Women’s Surfing Cup sa Munisipyo ng General Luna, Surigao del Norte.

Bilang ng mga kababaihang lumahok mula sa ibang bansa:

  • 13 mula sa Pilipinas
  • 6 mula sa Australia
  • 2 mula sa Indonesia
  • 1 Japan
  • 1 France
  • 1 Brazil

Pinangunahan ni Assistant Secretary Frederick Alegre ng Department of Tourism ang pagbubukas ng nasabing programa.

Ayon kay Alegre, malaki ang kaniyang pasasalamat dahil sa aktibong partisipasyon ng Lokal na Pamahalaan sa larangan ng turismo. Kaniya ding ipinaalam ang paglobo ng mga turistang bumibisita sa Siargao Island. Hindi lamang aniya dumoble kundi triple ang pagtaas ng numero sa mga local at foreign tourist.

Hinikayat din ng kalihim ang mga taga-Siargao na panatilihin ang pagyakap sa programang pang turismo para makatulong sa kanilang pamumuhay.

Jabes Juanite – EBC Corrspondent, Surigao del Norte