(Eagle News) — Sa pag-aaral ng Department of Health, aabot sa labindalawang milyong Pilipino ang mayroong hypertension.
Subalit kalahati lamang sa nasabing bilang o lumalabas na isa sa bawat limang Pilipino ang alam na sila’y mataas ang presyon ng dugo.
Ayon pa sa DOH, importanteng malaman agad ng isang indibidwal kung may hypertension ito o wala sa pamamagitan ng simpleng pag-alam sa blood pressure.
Maituturing na walking time bomb ang altapresyon bukod sa pagiging silent killer sa buong mundo.
Sa Pilipinas pa lamang, umabot sa mahigit dalawang daang libong Pilipino ang namatay dahil sa altrapresyon bawat taon.
Kaya inilunsad ng DOH at ng iba’t-ibang health advocacy groups kasabay sa pagdiriwang ng 8th National Hypertension Awareness Month.
Layon nito na ma-monitor ang blood pressure ng bawat isa.
Target ng ahensya na mahigit isang milyong Pilipino na may edad labingwalong taong gulang pataas ang makuhanan ng blood pressure sa buong buwan ng Mayo.