(Eagle News) — Humihingi ng dagdag na panahon si Pangulong Rodrigo Duterte upang ayusin ang problema ng bansa partikular na ang patungkol sa korapsyon at iligal na droga.
“In the fullness of God’s time. You give me three years and I will be able to stabilize the country. By that time, medyo on deck na tayo for a new phase of our national lives,” pahayag ni Duterte.
Ayon kay Duterte, una na siyang nangako sa mamamayan na tapusin ang korapsyon at iligal na droga sa loob lamang ng tatlo hanggang anim na buwan.
Hindi aniya siya tumitigil sa paghahanap ng paraan upang resolbahin ang problema ng bansa
“At this time, it’s quite convoluted itong mga problema natin. But I’m trying to manage somehow to navigate the waters of governance so that I can deliver,” dagdag pahayag ng Pangulo.
Ilang beses na rin na sinabi ng Pangulo na hindi niya inaasahan na ganoon na kalala ang problema ng bansa tungkol sa illegal drugs.