Mga training seminars ng TESDA sa mga drug surrenderee, malaki ang naitutulong – Piñan-PNP

PIÑAN, Zamboanga del Norte (Eagle News) – Malaki ang naitutulong ng mga programa ng lokal na Pamahalaan ng Piñan, Zamboanga del Norte, para sa mga drug surrenderee sa ikapananatili ng kapayapaan at kaayusan sa lugar, ito ay ayon sa Piñan PNP.

Sa panayam kay Police senior Inspector Arcelito Hampac Derama, OIC ng Piñan, Municipal Police Station, napag-alaman na tatlong beses nang nagsagawa ng training seminars ang TESDA sa mga surrenderee na walang sapat na kabuhayan o mapagkakakitaan.

Ayon kay Derama ang Local Government Unit ng Piñan ay nagsagawa rin ng mga pagtitipon para sa mga surrenderee, upang lalong mapalapit sila sa pamahalaan at tuluyan nang umiwas sa pagtutulak o paggamit ng ipinagbabawal na droga.

Dagdag pa niya, wala na umanong malalaking krimen na nagaganap sa lugar maliban na lang sa isang krimeng nangyari dahil sa kalasingan, subalit agad naman itong naaaresto ng awtoridad.

Samantala, sa isinagawang drug test ng LGU sa drug personalities, negatibo naman ang naging resulta.

Rosevelt Mondinido – EBC Correspondent, Zamboanga del Norte

https://youtu.be/PqdaJtLDwaA