TARLAC CITY, Tarlac (Eagle News) – Naging maganda ang ibinunga ng malawakang kampanya ng mga income generating department ng pamahalaang lungsod ng Tarlac, tulad ng Assessors Office, Task Force Market, Task Force Quarry, at mga iba pang departamento na nagpapasok ng mga koleksiyon.
Ito ang ibinalita ni Lyn dela Paz Cruz, City Treasurer Officer.
Ayon kay Dela Paz Cruz, mula Enero hanggang Marso 2016, sa tax on business umabot lamang ang koleksyon sa halagang Php 135,940,289.19.
Samantala, sa taong ito, mula Enero hanggang Marso, ay nakakolekta na ng umaabot sa halagang Php 161.959,866.03.
Nasa 18% ang isnulong ng koleksiyon.
Dagdag pa ng City Treasurer, halos lumaki ang naipasok ng mga income generating department mula Enero-Marso 2017 kung ikukumpara sa nakaraang periodo ng 2016.
Sa kasalukuyan ay nasa Php 100,116,794.34 ang kabuuang halaga na nakolekta, samantalang sa nakaraang periodo, nasa halagang Php 86,164,874.46 lamang ang kabuuang nakolekta.
Umaasa ang City Treasurer na sa mga susunod pa na mga periodo ay mas malaki ang makokolekta mula sa mga tax payers.
Ito ay dahil na rin sa puspusang malawakang pangangampanya ng mga income generating department na ikinatuwa naman ni City Mayor Cristy Angeles.
Kasabay nito ang pagbigay ng katiyakan sa mga tax payers na bawat pisong pumapasok sa kaban nang yaman ay gagamitin sa mga serbisyo at programa para sa taumbayan at bayan.
Hiniling din nito sa mga negosyante at mga mamamayan na nagbabayad ng kanilang buwis na magbayad nang karampatang buwis upang maging mabilis ang pag-unlad nang siyudad at ng taumbayan.
https://youtu.be/Ah7AW-XtEUw
Aida Tabamo – EBC Correspondent, Tarlac City