PUERTO PRINCESA, Palawan (Eagle News) – Sumulat na kay Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang mga non-government organization (NGO) at member-consumer ng Palawan Electric Cooperative (PALECO).
Ito ay upang iparating ang nararanasang krisis diumano sa kuryente sa lalawigan, na diumano ay may epekto na sa turismo.
Kaugnay nito ay hiniling ng mga ito kay Pangulong Duterte na makialam at utusan ang National Power Corporation (NAPOCOR) na dagdagan ang supply ng kuryente.
Hiniling din nila na utusan niya ang Department of Energy (DOE) at Energy Regulatory Commission (ERC) na bilisan ang pag-apruba sa Power Supply Agreement (PSA) ng PALECO at ng tatlong independent power provider;
- Delta P
- Langogan Power Corporation (LPC)
- Sabang Renewable Energy Corporation (SREC)
Rox Montallana – EBC Correspondent, Palawan