ROXAS, Palawan, (Eagle News) – Sa kabila ng mga travel advisory ng ilang malalaking bansa para sa mga turista sa Palawan, patuloy namang nagsasagawa ng maraming municipal activity ang Roxas sa layuning tumaas ang turismo sa bayan.
Ito ay kasabay ng pagdiriwang ng bayan ng foundation anniversary ng pagiging ganap na munisipyo ng Roxas ngayong araw (Mayo 15).
Ayon kay Municipal Disaster Risk Reduction Officer (MDRRO) Jerry Halili, layunin ng lokal na pamahalaan ng Roxas na maisulong ang turismo kaya tuloy-tuloy na selebrasyon ang nakatakdang ganapin para sa buong buwan ng Mayo.
Isinagawa ang 1st Roxas Triathlon Relay, motocross racing, at color me fun run.
Gayon din naman ang iba pang mga palaro na bukas para sa lahat mula sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Palawan.
Tiniyak naman ng mga opisyal ng bayan ang seguridad ng mga mamamayan at bakasyunista sa bayan dahil diumano sa walang sawang pagbabantay at pagpapatrolya ng pwersa ng mga marine.
Anne Ramos – EBC Correspondent, Roxas, Palawan