PALAWAN, Philippines (Eagle News) – Kinumpirma ng Department of Health na pumalo na sa 100 ang nagpositibo sa HIV sa lalawigan ng Palawan.
Ayon kay, Mimaropa Regional Director Eduardo Janairo, 50% dito ay may edad 25-40 taong gulang, 40% ay 15-24 taong gulang, at ang 10% naman ay nasa 41 anyos pataas.
Samantala, iginiit naman nito na hindi ibig sabihin ng datos na tumataas ang HIV cases sa lalawigan.
Nangangahulugan aniya ito na marami na sa mga Palaweño ang nagkaroon ng kamalayan sa HIV at kusa nang nagpapasuri sa mga testing center.
Kaugnay nito ay patuloy na hinihikayat ng DOH-MIMAROPA ang mga mamamayan na maaaring magkaroon ng ganitong sakit na agad na magpakonsulta sa pagamutan.
Ito ay upang maisailalim pa sa treatment at mabigyan ng tamang edukasyon.
Rox Montallana – EBC Correspondent, Palawan