TARLAC CITY, Tarlac (Eagle News) – Pinaigting pa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang kanilang kampanya laban sa mga kolorum na UV Express sa Tarlac.
Sa pinagsanib na pwersa ng LTFRB, City Transport and Traffic Management Group at Public Operation Service Office (POSO) ng lokal na pamahalaan, ay nag-sagawa ang anti-colorum operation sa mga lansangan kamakailan.
Layunin nito na maresolba ang problema sa mga nagkalat na kolorum na UV Express, na nakapagsisikip sa daloy ng trapiko.
Naaktuhan naman ang dalawang van at nasampolan dahil sa kakulangan ng mga iprinisintang papeles sa mga traffic enforcer.
Dinala ang mga sasakyan sa impounding area ng Land Transportation Office (LTO) sa Brgy. San Isidro.
Pinayuhan ng mga opisyal ang mga may-ari ng UV Express van na kumpletuhin na ang kanilang dokumento.
Aida Tabamo – EBC Correspondent, Tarlac City