PAGADIAN CITY, Zamboanga del Sur (Eagle News) – Hinikayat ng Department of Agriculture ang mga magsasaka sa rehiyon na magtanim ng cacao o kape.
Ayon kay Regional Director Constancio Alama ng DA Region 9, ito ay dahil mataas ngayon ang pangangailangan nito sa global market.
Ayon pa kay Alama, mayroon silang 1.3 milyon na mga seedling ng cacao na inuukol sa buong Zamboanga Peninsula.
Una umano na makikinabang dito ang people organizations, lokal na pamahalaan at mga state college o university, na binibigyan din ng DA ng kriterya para masiguradong maitanim at maipalago ng mga ito ang mga seedlings.
Magsasagawa rin ng road show ang DA patungkol sa kanilang high value crops development program sa bayan ng Mahayag at San Miguel.
Ayon kay Alama, ang probinsya ng Zamboanga del Sur ay may nakalaan na budget na P 32 milyon para sa mga seedling at equipment na gagamitin sa pagsasaka.
Ferdinand Libor – EBC Correspondent, Zamboanga del Sur