Day 3 ng Brigada Eskwela, marami pa rin ang lumahok

Pumalo na sa ikatlong araw ang Brigada Eskwela na nagsimula noong Lunes sa iba’t-ibang paaralan sa buong bansa.

Sa pangunguna ng Department of Education, marami pa rin ang masayang nakilahok sa nasabing aktibidad na magtatapos hanggang sa Mayo 20.

Kabilang sa mga nakilahok ay ang mga guro, mga estudyante, mga magulang at iba pang mga organisasyon o grupo pampubliko man o pribado.

Sa Commonwealth Elementary School, sa lungsod ng Quezon, kabilang sa mga tumulong sa Brigada Eskwela ay ang mga miyembro ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA na nakadeploy sa kahabaan ng Commonwealth.

Bagama’t pangunahin daw na kanilang tinututukan ay ang pagsa-saayos sa trapiko, nagagawa pa rin daw nilang makatulong sa nasabing programa bilang bahagi pa rin ng serbisyo-publiko.

https://youtu.be/Hh6vxvefh6c