BAYBAY CITY, Leyte (Eagle News) – Naiwang sinaing ang itinuturong dahilan ng pagkakatupok ng mahigit na tatlumpung kabahayan sa Sto. Nino, Baybay City, Leyte. Nangyari ang nasabing insidente noong Biyernes, Mayo 19 bandang 10:00 ng umaga. Nagsimula ang sunog sa bahay ni G. Eduardo Quillasa.
Ayon sa mga kapitbahay, nagsaing umano ang pamilya Quillasa gamit ang panggatong na kahoy at iniwan ito na walang nagbabantay. Ito ang itinuturong dahilan ng pagkatupok ng mahigit sa 30 na kabahayan sa nasabing lalawigan.
Sa initial na imbestigasyon ay may isang nasawi na nakilala sa pangalang James. Sa kasalukuyan ay inaalam pa ang kumpleto nitong pagkakakilanlan.
Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa nasabing pangyayari. Hindi pa rin nagbibigay ng pahayag ang Bureau of Fire Protection ng Baybay City sa sanhi ng sunog, maging ng estimated cost of damage nito.
Chard Barcelona – EBC Correspondent, Baybay City, Leyte