BIÑAN CITY, Laguna (Eagle News) – Naghain ang Pamahalaang Lungsod ng Biñan ng Php 3.5 milyon para sagipin ang Alberto Mansion ni Teodora Alonzo, ang ina ng pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal.
Inilakip ni Biñan City Mayor Atty. Arman Dimaguila ang tseke na nagkakahalagang PhP 535,059.00, o 15% ng pag-aari na P3,567,060 base sa makatarungan na market value.
Ang 15 porsiyentong deposito ay isa sa pangangailangan sa korte bago ihain ng Pamahalaang Lungsod ang writ of possession para pumasok at pumalit sa pagmamay-ari ng nasabing makasaysayang bahay.
Ang Pamahalaang Lungsod ay naghain na ng Expropriation Case sa Hall of Justice noong nakaraang Biyernes, Mayo 19, upang makuha ang 1,197 square meters na kinatitirikan ng Alberto Mansion sa pangunguna ni Gerardo M. Alberto ng nasabing syudad.
Layunin nitong sagipin at maibalik ang naturang heritage structures bilang isang makasaysayang gusali at maging bahagi pa ito sa mga susunod na henerasyon.
Willson Palima – EBC Correspondent, Biñan City, Laguna
Photo Courtesy: PIO