Seguridad sa mga paliparan sa bansa, mas hinigpitan

(Eagle News) – Mas hinigpitan na ng Philippine National Police-Aviation Security Group ang seguridad sa lahat ng mga paliparan sa bansa.

Inilatag na ni PNP-AVSEGroup Director Chief Supt. Sheldon Jacaban ang isang nationwide security plan na magpapaigting sa pagpapatrolya sa mga paliparan at checkpoint sa lahat ng pasukan at labasan ng mga terminal.

Nakasaad sa naturang security plan, na ang mga road safety marshal ay itatalaga sa airport terminals kung saan magsasagawa ng random paneling ang mga Special Operations Unit pati na ang K-9 teams sa waiting area ng mga pasahero, paradahan at cargo areas.

Magtatalaga rin ng mga pulis sa  help desks sa mga paliparan upang makatulong sa mga biyahero.