“No I.D., no Entry,” ipinatupad na sa Mabuhay, Zamboanga Sibugay

MABUHAY, Zamboanga Sibugay (Eagle News) – Ikinasa na sa Mabuhay, Zamboanga Sibugay ang “No I.D., no entry” policy.

Ito ay sa ilalim ng Executive Order No .19, series of 2017.

Ibinaba ang kautusan mula sa tanggapan ni Mayor Restituto Calonge.

Ayon sa nilagdaan ng alkalde, iniaatas na sumailalim sa checkpoint ang bawat taong dadaan sa entry points ng Brgy. Hula-Hula at Brgy. Malinao at iba pang lugar sa loob ng nasabing bayan.

Kailangang iprisinta ang ID ng sinumang nagnanais na pumasok upang maayos na makapasok sa bayan. Kung sakaling hindi nakapagdala ng ID ay kailangang iprisinta ang anumang dokumento na nagsasaad ng mapagkakakilanlan o identification.

Isasakatuparan ito sa lahat ng dadaan, naglalakad man o nakasakay.

Ang walang maiprisintang dokumento ay kailangang lumagda sa logbook at isulat ang pakay sa nasabing isla at ang mga araw na itatagal nito.

Ang mahigpit na pagbabantay sa islan at bunsod ng idineklarang martial law sa buong Mindanao ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay resulta ng pagpupulong ng Municipal Peace and Order Public Safety ng Mabuhay tungkol sa pagsuporta ng lokal na pamahalaan sa idineklarang martial law.

Jen Alicante – EBC Correspondent, Zamboanga Sibugay

 

2d8c97f4-9775-4415-8e3d-8df55db00a1a 7f56804e-b154-4f28-9a3d-be5bfb138df4 0884537c-ce4b-422e-9a85-4acd4a181065 b5364b58-0f1a-49f8-a1c4-16bd2784b331 fcce6e50-54ba-4b2d-a511-73d096aed6e6