DAVAO CITY (Eagle News) – Sa kabuuan ay naging matiwasay ang pagbubukas ng klase ngayong taon ayon sa Davao City Police Office (DCPO).
Sinabi ni Senior Insp. Ma. Teresita Gazpan, spokesperson ng DCPO, na walang natalang insidente o krimen sa pagbalik ng mga estudyante sa mga paaralan sa siyudad.
Ayon naman sa Police Regional Office (PRO) XI, nasa 5,000 na mga pulis ang ikinalat sa iba’t-ibang paaralan sa buong rehiyon, hindi pa kasama ang police auxiliary forces.
Patuloy pa rin ang mahigpit na pagpapatupad ng inspeksyon sa mga checkpoint upang masiguro ang safety at security ng Davao Region.
Ayon kay Gazpan, hindi nila binabalewala ang atas ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Haydee Jipolan – EBC Correspondent, Davao City
Photo courtesy: Davao City Police Office