SURIGAO CITY, Surigao del Norte (Eagle News) – Nakiisa ang Surigao del Norte sa pagdiriwang ng buwan ng Nutrition at National Disaster Consciousness na may temang “Healthy Life Gawing Habit for Life at 4ks: Kamalayan sa Kahandaan Katumbas ay Kaligtasan.”
Maaga pa lang noong Lunes (July 3) ay nagtipun-tipon ang mga empleyado at mga representante mula sa iba’t ibang ahensya sa gobyerno para sa maikling programa na pinangunahan ni Dr. Arlene Felizarta ng Provincial Health Office.
Ipinaliwanag at ipinaalala niya ang tamang pagkain lalo na sa mga nagkaedad at sa bawat tahanan ng mga ito. Namigay ng Vitamin A at may food taste ng veggie smoothies gamit ang mga organic fruit at ito ay libreng ibinigay sa mga dumalo. Pagkatapos ay nagkaroon ng motorcade paikot sa lungsod ng Surigao para naman sa Disaster Awareness.
https://www.youtube.com/watch?v=Jd-a3xLt4IQ&feature=youtu.be
Jabes Juanite – Eagle News Correspondent, Surigao City